Wednesday 22nd September 2021,
site ng paglalakbay Pilipinas

Saan nagmula ang Sisig

cpuojt February 8, 2016 Pangkalahatan
Nagmula ang Sisig

nagmula ang Sisig – Tinaguriang “Culinary Capital” ang lungsod ng Pampanga ng Pilipinas at isa sa mga sikat na pagkain dito ay ang sisig. Ang sisig ay unang na imbento ni Lucia Cunanan o mas kilala sa palayaw na Aling lucing “sisig queen”. Ang sisig ay gawa sa balat ng ulo ng Baboy o maskara, at tenga at dinagdagan ng kaunting atay ng manok.

 

Nagmula ang Sisig

 

Ang sisig ay mabibili na ngayon sa ibat-ibang mga restawran. Ito ay pinatungan sa itaas ng ‘mayonnaise’ at itlog at dinikdik na sibuyas,para lalo pa itong mapasarap. Ang orihinal na sisig ay ginagamitan nang giniling na utak nang baboy upang maging buo at hindi masyadong tuyo at magkakahiwalay, pero ngayon ang mayonnaise ay ginawang alternatibo para dito.

Sa pagluluto ng sisig, iniihaw muna ang maskara upang matanggal ang mga balahibo nito, pakuloan hangang sa lumambot at tadtarin. Igisa ang bawang, sibuyas, sili mascara at atay.

 

sisig

Timplahin ng patis, suka, at paminta, buhosan ng sapat na halaga ng tubig at hayaang lumabot ng husto. Ihain sa pinainit na sizzling plate at lagyan ng mayonnaise at itlog.

 

tagalog.philippinestravelsite

Related Articles:

Like this Article? Share it!

About The Author

Comments are closed.