puka beach boracay – Ang Boracay ay isa sa mga pinakamagandang destinasyon ng mga turista ngayon sa bansa. Ito ay Matatagpuan sa Probinsya ng Aklan.
Taun-taon, daan-daang libo ang mga bumibisita, parehong dayuhan at lokal ang dumarating sa isla.
Ang isla ay sikat sa mga katangiang ito na mala-kristal na tubig at napakaputing buhangin. Daan-daang mga bagay na maaaring gawin dito.
Maaaring subukan ng mga bisita ang lahat ng uri ng water sports mula sa sailing, wind surfing, scuba, island hopping at marami pang iba. Sa Inland naman ay pwede mong subukan ang riding horseback, pagbibisikleta at iba pa. Tuwing gabi naman ay pwede kang manuod nang fire dance, pwede ka rin pumasok sa mga clubs.
Ang Puka Beach Boracay ay isa sa mga baybayin na makikita sa lugar na ito .
Baybayin ito at madalas tawaging Yapak Beach. Ito ay pangalawang pinakamahabang baybayin sa isla na may haba nito sa humigit-kumulang sa 1.3 kilometro. Ito ay kilala at madalas na binisita ng mga turista na nais tuklasin ang isla sa pamamagitan ng bangka at tamang-tama para sa beach picnic.
Ito ay tinatawag na Puka Beach dahil maraming mga maliliit na shells na ginagwanang mga alahas na makikita sa baybaying ito. Napakatahimik ng baybayin na sakto lang para sa mga beach picnic ng pamilya.
Posted by Tagalog Philippine Travel Site
Comments are closed.