Thursday 27th June 2019,
site ng paglalakbay Pilipinas

Mga Halamang Gamot Sa Lagnat, Ubo, Empatso, Atbp.

Pilipinas March 6, 2017 Kalusugan
Luyang Dilaw

Kung nais ang natural at alternatibong paraan, basahin ang mga sumusunod na mga halamang gamot. Nasa bakuran n’yo lang ang lunas. Narito pitong halamang gamot sa ubo, lagnat, empatso, at iba pang mga sakit.

1. ARATILES (Jamaican cherry, Panama berry, Singapore cherry, bolaina yamanaza, cacaniqua, capulín blanco, nigua, niguito, memizo, or memiso)

 

 

Mainam sa pagtatae at dysentery o pagduming may kasamang dugo

Pakuluan ang ilang dahon at inumin bilang tsaa 3 beses 1 araw

2. LUYA – Ginger

 

 

Makakatulong para maibsan ang pagtatae, lagnat, sipon at ubo

– Dikdikin at pakuluan ang katamgtamang dami ng dahon
– Inumin bilang tsaa 3 beses 1 araw

3. BALBAS PUSA (Cat’s whisker)

 

 

Mahusay sa gout o pananakit ng kasu-kasuan, lalo na kung mataas ang uric acid dala ng sobrang pagkain ng lamang-loob
– Mainam rin ito sakit sa bato at pantog

– Ilagay ang katamtamang dami ng dahon sa kumukulong tubig
– Inumin bilang tsaa 3 beses 1 araw

4. LUYANG DILAW

 

 

Mabisa ito kapag naparami ang kinaing matataba o malalangis

– Pampababa ng cholesterol
– Ilaga ang isang dakot ng hiniwa-hiwang luyang dilaw sa 3 basong tubig
– Pakuluan sa katamtamang apoy ng 5 minuto
– Inumin bilang tsaa 3 hanggang 5 tasa sa isang araw

5. LAGUNDI (Vitex Negundo)

 

 

Mabuti sa sipon, trangkaso, hika at lagnat

– Pakuluan ang katamtamang dami ng dahon
-Inumin bilang tsaa 3 hanggang 5 tasa sa isang araw

6. BAYABAS (Guava)

 

 

Mabisa sa pagtatae, sakit ng tiyan at pagduming may halong dugo (dysentery)
– Ibabad ang mga dahon sa mainit na tubig
– Inumin bilang tsaa 3 beses 1 araw

7. TSAANG GUBAT (Ehretia microphylla)

 

 

Mabisa sa empatso, nasobrahan ng kain, pagtatae at dysentery

– Pakuluan sa mahinang apoy ang 1 dakot na dahon nang 5 minuto
– Inumin bilang tsaa 3 beses 1 araw

 

Related Articles:

    Like this Article? Share it!

    About The Author

    Comments are closed.

    Pin It on Pinterest

    Shares
    Share This