Tradisyonal na Laro sa Pilipinas – Ang laro ng lahi ay karaniwang nilalaro ng mga bata sa pilipinas at dahil limitado ang mga laruan ng mga batang pinoy sila ay gumagamit ng mga bagay na makikita sa paligid.
Sila ay karaniwang nakakalikha ng mga laro na walang ibang gamit kundi ang kanilang mga sarili lamang. Dahil sa pleksibong pag-iisip ng tao, ang mga laro ay nagiging interesado at may pagsubok.
Sakatunayan ang mga larong Patintero, tumbang preso, piko, sipa, trumpo at marami pang iba ay nilalaro parin ng mga bata sa ngayon lalo na sa mga probinsya. Masasaksihan din ang laro ng lahi sa mga pista tulad ng palosebo, pukpok palayok, ang pinakaka abangan ng lahat, ang paunahan sa pag huli ng biik at marami pang iba.
Comments are closed.