Thursday 27th June 2019,
site ng paglalakbay Pilipinas

Lagundi (Vitex negundo)

cpuojt July 28, 2016 Pangkalahatan
Lagundi (Vitex negundo)

 

Lagundi (Vitex negundo) -Ang lagundi ay isang halamang-gamot na inirerekomenda ng Departamento ng Kalusugan sa isa sa mga epektibo at mabisang halamang-gamot. Ang mga dahon ng lagundi ay malimit na ipinantatapal sa mga bahagi ng katawan na may rayuma at pilay.

Ang langis na taglay ng lagundi ay napatunayang nakapagpapaalis ng pamamaga at pamumula ng balat. Samantalang ang katas naman nito na kinakikitaan ng mga katangiang antibacterial, antifungal at analgesic, ay itinitimpla at ipinaiinom sa mga pasyenteng may matinding ubo. Kung meron kang tanim na halamang lagundi ay maswerte ka, hindi mo na kailangang bumili. Pakuluan mo lang at pwede mo na itong inumin.

Ang paggamit ng lagundi para sa layunin ng panggamot ay may mahabang kasaysayan sa Pilipinas.
Ngayon, ang mga pharmaceutical companies ay nagbebenta ng capsule sa iba ibang drugstores.

tagalog.philippinestravelsite.com

Related Articles:

Like this Article? Share it!

About The Author

Comments are closed.

Pin It on Pinterest

Shares
Share This