Thursday 23rd May 2019,
site ng paglalakbay Pilipinas

Halamang gamot para sa ubo at sipon: Oregano

cpuojt February 18, 2016 Balita, Pangkalahatan, Video
oregano

Halamang gamot para sa ubo at sipon: Oregano

Ang Oregano (Coleus aromaticus) ay isang halamang gamot na maraming dahon at malambot ang mga sanga; mabango at matapang ang amoy. Ang mga dahon nito’y nasa 2-3 pulgada ang haba, at maypagkahugis-puso ang anyo. Matagal na rin itong ginagamit hindi lamang bilang gamot kundi bilang pampalasa sa mga pagkain. May mga pag-aaaral narin na ginawa kung saan may mga katangiang nakita sa halamang ito na nagpapakitang may potensyal bilang isang halamang gamot.

MGA TRADISYONAL NA GAMIT

  1. Nakapagbibigay-ginhawa sa ubo, sipon, at lagnat lalo na sa mga sanggol
  2. Nakapagbibigay-ginhawa sa sore throat o pharyngitis
  3. Gamot para sa mga pigsa at pananakit sa kalamnan
  4. Iba pang mga tradisyonal na gamit ng oregano: Gamot sa UTI, at sakit ng tiyan

 

 

PAANO GAMITIN 

  1. Maaaring magpakulo ng isang tasa ng sariwang dahon sa tatlong tasa ng tubig, ilaga ito sa 10-15 minuto. Uminom ng isang tasa tatlong beses isang araw para sa ubo’t sipon.
  2. Para sa ubo at rayuma, maari ring gumagamit ng mas matapang na preparasyon. Pigain ang mga dahon ng oregano at uminom ng isang kutsarita na katas nito, tatlong beses rin isang araw.
  3. Para sa mga pigsa, sugat, o kagat ng insekto, dikdikin ang mga dahon at ipahid ito sa apektadong bahagi ng katawan, isang beses isang araw.

BABALA AT MGA PAALALA

Ang mga halamang gamot ay itinuturing the home remedy o maaaring ibigay na gamot sa mga kondisyon na hindi kinakailangang ipakonsulta sa doktor. Kung ang mga sintomas na iyong nararandaman ay matagal na o patuloy na lumalala, mabutihing ipakonsulta parin sa doktor ang nararamdaman. Hindi dapat ihalili ang mga halamang gamot sa mga gamot na nireresita. Huwag kalimutang sabihin sa doktor sa umiinom ka ng anumang halamang gamot. Panghuli, gaya ng kahit anong gamot, maaaring magkaroon ng side effects ang pag-inom nito bagamat ito’y higit na mas madalang.

 

How much NAIA scammers earn from ‘tanim-bala’How much NAIA scammers earn from ‘tanim-bala’LEARN MORE ►►► http://philippinestravelsite.com/youtube

Posted by Philippinestravelsite on Thursday, 17 December 2015

 

Posted by tagalogphilippinestravelsite

Related Articles:

Like this Article? Share it!

About The Author

Comments are closed.

Pin It on Pinterest

Shares
Share This