Ang Bibingka or Bibingkang Galapong ay isang cake na gawa at galing sa harina ng Bigas o (galapong), gata ng niyog, asukal, itlog, at baking powder.
Mga Sangkap:
2 tasa ng galapong
3/4 tasa ng asukal
3/4 tasa kinudkod na niyog
1/4 kutsaritang asin
1/4 tasa gadgad na keso
1/4 kutsarita pampaalsa
1-1 / 2 tasa ng tubig
2 itlog
Dahon ng saging
Margarin
Asukal
Paano gumawa
1.Paghaluin ng mabuti ang unang walong sangkap sa malaking bowl at isantabi.
2.Elinya ang mga palayok na may dahon ng saging at ilagay ang palayok sa ibabaw ng nagbabagang uling s isang clay oven n lutuan.
3.Ibuhos ang tinimpla sa palayok at lagyan ng takip na may kasamang sheet of metal.
4.Magdagdag ng nagbabagng uling sa ibabaw ng sheet of metal.
5.Lutuin ang Bibingka hanggang 15 – 20 minuto hanggang maluto.
6.Hainin ang bibingk a sa palayok at pahiran ng margarine at pagkatapos budburan ng asukal.
Comments are closed.