Thursday 19th July 2018,
site ng paglalakbay Pilipinas

Likas Na Yaman Ng Pilipinas

Pilipinas September 10, 2016 Pangkalahatan

Likas na Yaman ng Pilipinas – Ang ating kapaligiran sa ating kalikasan ay nagtataglay ng mga bagay na may malaking halaga. Ito ang mga itinuturing na likas o natural na yaman ng bansa. Halimbawa rito ay ang mga kabundukan, karagatan, kagubatan, mga lawa, ilog at pati na yaong mga mineral na mahuhukay sa ilalim ng mga lupa. Maituturing na ang mga likas na yaman ay ang mga bagay na bigay o likha ng Diyos bilang pamana sa tao.

 

Mga Uri ng Likas na Yaman:
1. Yamang Lupa – Sa lupa na ating pinagtataniman ay nakakapag-ani tayo ng mga sari-saring bagay na makakain. Ang lahat ng mga produkto ng agrikultura tulad ng mga palay, gulay, prutas ay hango sa ating mga pananim sa kalupaan na maaring maipakangalakal sa iba.

2.  Yamang gubat – Sa mga pinagkukunang yaman ng bansa, ang mga kagubatan ang may pinakamalaking sukat. Maraming nakukuhang tabla at langis, aromatiko mula sa mga punong diptercarp. Mga pula at puting  lawan at tangili na itinuturing na pinakamahalagang supply ng tabla sa bansa. Makukuha rin sa mga troso, tabla, plywood, tropal o veneer at dagta at resin.

3. Yamang Tubig – Malawak ang karagatan ng Pilipinas na umaabot sa baybayin ng 17,640 kilometro at 266 milyong ektaryang coastal waters at 193.4 ng karagdagang bahagi na nagmumula sa karagatan. Tinatayang umaabot ng 18.46 milyong ektarya ang kabuuang lawak ng karagatan kabilang ang 338,393 ektarya ng latian at mga ilog imbakan na matatagpuan sa bansa.

4. Yamang Mineral – Isa sa mga pangunahing industriya na nagpapataas ng reserbang dolyar ng bansa ay ang ating mga mineral na yaman.

  •      Metalikong Mineral- binubuo ng mga metalikong mineral tulad ng ginto, bakal, nickel, tanso, uranium, cadmium, chromite, manganese at zinc.
  •      Di-Metalikong Mineral- binubuo naman ito ng mga merkuryo, flourine at iba pang di metalikong mineral

5. Yamang Tao – Ang dami ng tao sa isang bansa ay nagpapakita ng lawak ng potensyal na yamang tao.Itoang mga taong nagtatrabaho sa isang bansa at may kakayahang magpaunlad sa layuning mapaunlad ang isang bansa. Tinatawag din silang likas dahil sila ang nangangasiwa ng mga ibang likas na yaman at utak sa interaksyon sa pamilihan.

 

Related Articles:

Kung nasiyahan ka sa artikulong ito FEEL Free to TIP Tagalog Phlippines Travel Site:

Any Amount Welcome 🙂


Dash: XmARRjJ9y2zUUgiPWPMrjviWWCvpuogwKd


Dogecoin: D5vAJ9ydfsNX1VE6e93Wh16gmUfVSUSKQq


Bitcoin: 1BJbBAvdNHcZPZBnaFpyExUmAD9H1crosU


Litecoin: LXfkhyMe8gxdENyUc7Y5itHzFqr67F96nW


Bitcoin Cash: 1Q8njMG4LPqFYthtNu6rq2Rbq9JqKXaPg1


Ethereum: 0x60454606e1f66C09e4fD7977b844718b683B2836

Post Footer automatically generated by Add Post Footer Plugin for wordpress.

Like this Article? Share it!

About The Author

Comments are closed.

Pin It on Pinterest

Shares
Share This