Friday 22nd June 2018,
site ng paglalakbay Pilipinas

Malalison Island Antique

cpuojt January 7, 2016 Turismo
Philippine Folk dance

Malalison Island

Ang Malalison Island ay napakaraming magagandang tanawin na pwedeng puntahan sa Iloilo. Pero ang iba ay hindi pa napapansin dahil hindi ito mga sikat katulad ng Boracay.
Marahil narinig niyo na ang Malalison Island sa Antique, isang napakagandang isla na may klarong baybayin at bundok na pwedeng gawing pwesto sa mga photoshoots.

Apat na oras ang biyahe mula Iloilo hanggang Culasi, Antique. Pag dating sa Culasi ay sasakay ng maliit na bangka papunta sa isla ng Malalison. Malayo pa lang ay matatanaw niyo na ang maputi nitong buhangi

n at napaka asul na dagat. Pag dating niyo sa pangpang ay babatiin kayo ng mga masayahin at mababait na mga tao na nakatira doon.

Ang pangunahing hanapbuhay ng mga tao doon ay pangingisda. Napakasagana sa isda ang isla dahil napapaligiran ito ng malawak na dagat at may mga katabing isla na binabahayan ng mga isda.

Tuwing umaga ika’y makakabili ka ng mga preskang isda mula sa dagat. Mura ito kompara sa mga binebenta sa palengke. Ang dagat ay malamig at masarap paliguan. Sa sobrang linaw ng tubig ay makikita mo ang mga corals at mga bato sa paa mo.

Pag gusto niyo naman magphotoshoot or maglakbay ay hindi rin pahuhuli ang Malalison sa mga lugar na pwede pagkunan ng mga litrato. Sampung minutong lakad ay makikita niyo na ang maganda at malawak na bundok ng Malalison. Madali lang itong akyatin kaya maraming mga turista ang nagpapakuha ng litrato dito.

 

 

Madali lang maabot ang tuktok nito. Sa taas ay matatanaw ang nakakabighaning dagat na nakapaligid sa isla. Madaming magagandang halaman at bulaklak na makikita doon. Napakasarap ng simoy ng hangin sa taas ng bundok. Malamig at napakasarap sa pakiramdam na makakita ng ganitong klaseng tanawin. Talagang nakakamangha, kaya pag may budget ay bisitahin na ang Malalison Island ng Antique.

 

Del Carmen Mangroves, Siargao#PhilippinesTravelSite – Del Carmen Mangroves, SiargaoWATCH MORE>>> http://philippinestravelsite.com/youtube

Posted by Philippinestravelsite on Sunday, 27 December 2015

Posted by TagalogPhilippinesTravelSite

Related Articles:

Kung nasiyahan ka sa artikulong ito FEEL Free to TIP Tagalog Phlippines Travel Site:

Any Amount Welcome 🙂


Dash: XmARRjJ9y2zUUgiPWPMrjviWWCvpuogwKd


Dogecoin: D5vAJ9ydfsNX1VE6e93Wh16gmUfVSUSKQq


Bitcoin: 1BJbBAvdNHcZPZBnaFpyExUmAD9H1crosU


Litecoin: LXfkhyMe8gxdENyUc7Y5itHzFqr67F96nW


Bitcoin Cash: 1Q8njMG4LPqFYthtNu6rq2Rbq9JqKXaPg1


Ethereum: 0x60454606e1f66C09e4fD7977b844718b683B2836

Post Footer automatically generated by Add Post Footer Plugin for wordpress.

Like this Article? Share it!

About The Author

Comments are closed.

Pin It on Pinterest

Shares
Share This